Replektibong Sanaysay

Magpapakasal o hindi?

ni Glycel Daco


Magpapakasal ba ako o hindi? Kailangan ba talagang magpakasal? Ano ba sa pakiramdam ang ikasal? Sa mga nakikita ko, mukhang sobrang saya nila habang kinakasal. Saan nga ba ako magpapakasal? Kelan ako ikakasal? Ilang taon na ako ikakasal? Magiging katulad ba ang kasal ko tungkol sa mga istorya sa wattpad na aking nababasa? Ano nga bang mararamdaman ko sa mismong araw ng kasal ko?
Karamihan sa mga babae ay hinihiling na maikasal sa simbahan at sa lalaking mahal nila. Bilang isang babae isa ako sa mga nangangarap na ikasal, dahil ang maikasal ay isa sa masayang mararanasan natin sa buhay. Hinihiling ko rin na sana maging katulad ng isang masayang istorya ang magiging buhay ko sa hinaharap. Ninanais kong maikasal sa isang malaking simbahan, habang tunutugtog ang paborito kong awitin na masarap pakinggan ay naglalakad naman ako sa isang mahabang red carpet , suot ang isang mahabang puting damit patungo sa lalaking naghihintay na mahawakan ang kamay ko at ipadama sa akin kung gaano niya ako kamahal. Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ang pagpapakasal dahil mas prayoridad ko ngayon ang pag-aaral, ang pagpapakasal ay isasaisip ko lamang pagdating ng tamang panahon. Marami pang panahon at pagsubok ang dadaan sa aking buhay, hindi kailangang magmadali.
Sa kabuuan, gusto kong maikasal sa tamang panahon, dahil sa tingin ko magiging kumpleto ang buhay ko kung ako’y makakasal sa taong mahal ko. Hindi minamadali ang pagpapakasal ito ay pinaghahandaan dahil maraming proseso ang gagawin bago maikasal. Pagdating ng tamang panahon gusto kong maisakatuparan ang mga nais ko. May tamang panahon at oras sa pagplano, wala namang masama kung magpaplano ngayon ngunit may mga bagay talaga na kailangang unahin at gawin ngayon.

Leave a comment