Replektibong Sanaysay

I Do

ni Ma. Lyca Valdez


Nais mo din ba na magpakasal? o nangangarap din ba na ikasal sa iyong man of your dreams balang araw? Isa ka ba sa naniniwala na hindi mahalaga ang kasal at kuntento na sa estado ng pagiging single habang buhay?
Marami sa mga teenager lalo na ang mga kababaihan ang pinapangarap na magpakasal balang araw. Ang iba pa nga’y noong bata pa lang pinapangarap ng magpakasal at kung minsan naglalaro pa ng kasal-kasalan. Alam naman natin ang kasal ay sagradong serimoniya kung saan ang dalawang nagmamahalan ay nag susumpaan sa isa’t isa na magkasama habang-buhay sa hirap man at ginhawa. Isang beses lang maganap ang ganitong serimoniya kung kaya’t karamihan sa mga kasal ay magarbo at pinaghandaan.
Nais ko din na magpakasal balang araw dahil gusto kong magkaroon ng katuwang sa buhay at magkaroon ng saring pamilya sapagkat iba pa rin ang saya kapag may minamahal. Napakahalaga ng pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan hindi dahil ito’y inaasahan sa mga nobyo’t nobya bagkus ito’y kagustuhan na magkaroon ng pundasyon ang relasyon. Nakatutuwang isipin na ikakasal tayo sa man of our dream ngunit, hindi natin masasabi na ang karelasyon natin sa kasalukuyan ay ay siya rin ang makakasama natin habang-buhay. Mapaglaro ang tadhana wala itong kasiguraduhan. Masasabi mo naman sa sarili mo na ang isang tao ay karapatdapat na makakasama mo habang buhay.

Leave a comment